Spain Close Border na Extend hanggang Oct. 31, 2020
Ang Opisyal na State Gazelle (BOE) ay naglabas ng kautusan ng pang ministro nitong Huwebes, October 2, 2020 na e extend o pahabaan muna ang pansamantalang pagsara ng border sa Spain at sa mga kalapit bansa nito na sakop ng EU o tinatawag na Schengen Border.
Ang mga non-essential na travel ay hindi makakapasok sa bansang espanya. Ang patakaran nito ay may hangganan sa hatinggabi ng Oktubre 31, 2020. Pag na lift na ang patakaran, ang mga tanging makapasok lamang sa bansa, ay ang pagiging miyembro ng European Union, ang mga nakatira sa lugar ng Schengen Area, habitual residence ng bansang Andorra, Vatican, San marino at isang dosenang mga bansa na kasama sa exceptions.
Ag tanging mga hindi-European citizens o foreigner na pinapayagang pumasok sa Espanya ay magmumula sa Australia, Canada, Georgia, Japan, New Zealand, Rwanda, South Korea, Thailand, Tunisia, Uruguay at China, bagaman sa huling kaso nito nagpasiya ang EU na isailalim ito sa kapalit.
Ang pagsasara ng Schengen border ay may kasamang exceptions tulad ng mga manggagawa na kailangan dumaan sa border, mga mag-aaral na may kaukulang valid visa, mga propesyonal na health, kabilang ang mga researcher ng health, at mga propesyonal na pangangalaga ng matatanda na nakadirekta o muling nagbabalik mula sa pagsasagawa ng kanilang gawain trabaho at mga tauhan na nagdadala ng mga goods, militar at mga tauhan ng diplomatikong o consular.

Comments
Post a Comment