Protesta sa Madrid, laban sa mga paghihigpit dahil sa Coronavirus.
Nagsagawa ng isang malakihan protesta ang Centro ng Madrid laban sa mga paghihigpit dahil sa coronavirus . Ang Policia Espanya ay inaresto ang mahigit 32 na katao dahil sa marahas na kaguluhan na naganap sa gitna ng Madrid . Ang kaganapan ay nagsimula sa Puerta del Sol ngunit, pagkatapos na mapalayas, ang mga nagpoprotesta ay nagtapos ito sa gitnang Gran Vía Madrid na kung saan isang pangkat ng mga dose-dosenang mga tao ang nagtangkang guluhin ang gabi ng syudad sa pamamagitan ng pagsunog ng mga lalagyan ng basura at pagbubuo ng mga barikada sa kalsada. Sa kanilang pagpropotesta, sinira rin nila ang mga kagamitan sa pangunahing arterya ng Madrid at naghagis ng mga bato sa mga bintana ng ilang mga tindahan. Panourin ang VIDEO: Inalis ng Pambansang Pulisya ang mga indibidwal na ito na nagtapon din ng mga bagay sa mga ahente at nagkalat sa Calle Princesa at sa kalapit na lugar. Sa ngayon ay mayroong 32 na nakakulong, marami sa kanila ay mananagot sa pag- atake s...