Planong maagang pagsirado ng Metro de Madrid

Ang Komunidad ng Madrid ay pinag-aaralan na ngayon kung may katuturan na panatilihing bukas ang Metro hanggang 01:30 ng umaga.

Ang Ministro ng Transportasyon ng Madrid na si Ángel Garrido, ay nagbangit na ang posibilidad ng pagsasara ng mas maaga sa metro araw-araw, ay isasaalang-alang dahil sa pagbagsak ng demand dahil sa panibagong batas na naimplement, at ito ang CURFEW, kasali rin ang estado ng alarma na may bisa mula noong katapusan ng linggo.

Si Garrido, na pumirma sa isang kasunduan sa pakikipagtulungan sa Konseho ng Lungsod ng Madrid sa pag-inspeksyon ng transportasyon sa kalsada, ay nagsabi na pagkatapos ng unang linggong na pagpapatupad  ng curfew ay susuriin mabuti ang pangangailangan para sa metro upang gumawa ng anumang desisyon tungkol sa oras ng pagsasara ng suburban.

Ipinaliwanag ng tagapayo na noong Sabado, noong pagtatapos ng estado ng alarma, mayroong isang maliit na pagtaas na bilang sa transportasyon, lalo na sa network ng intercity bus at sa Cercanías, at pagbaba ng mga bus ng Municipal Transport Company (EMT ).

Ayon kay Garrido, ang mga paggalaw na ito ay maaaring tumutugma sa katotohanan na maraming mga munisipalidad na nakaconfine ay nagsisimula ng lumipat sa buong Komunidad ng Madrid.

Noong Sabado ng gabi natapos nito ang estado ng emerhensiya na nagpasiya noong Pebrero 9 ng pamahalaang sentral, at nitong Linggo ay nagpwersa ng isang bagong estado ng alarma na nagbibigay ng paghihigpit sa paggalaw sa pagitan ng 23:00 at 6:00 na oras, bagamat sa Komunidad ng Madrid ito ay nasa pagitan ng 00:00 at 06:00 na oras.



Comments

Popular posts from this blog

Paano kumuha ng CITA or Appointment para "EMPADRONAMIENTO"

PRIVACY POLICY

Ang Paghihigpit ng Madrid laban sa Coronavirus