Madrid bahagyang mag Lockdown

Nakatakdang ipatupad ng Madrid ang isang bahagyang regional lockdown mula 10 ng hating gabi. 


Ang Lungsod ng Madrid ay nakatakda maglockdown kasama ang siyam na mga lokal na lugar ngayong gabi mula 22:00. Kinumpirma ito ng mga pinuno ng Kalusugan na si Enrique Ruiz Escudero, sa isang pulong balitaan ngayon.

Nagprotesta ang rehiyon laban sa bagong iminungkahing ng mga hakbang sa lockdown sa nakaraang linggo subalit kinumpirma ng lokal na pamahalaan na susundin nila ang mga paghihigpit sa lockdown.

Ang lungsod ng  Madrid ang pinakahirap na matatamaan ng Coronavirus kung sakaling magka second wave. Nagsusumikap rin mga official ng Communidad ng Madrid upang harapin ang karagdagang pagkalat ng sakit. 

Pinapayagan lamang ang mga lokal na residente na pumasok o lumabas sa lugar para sa trabaho, eskuwelahan o medikal na lugar, o para sa iba pang mga kadahilanan na kailangan.

Tingnan dito ang mga detalye tungkol sa mahigpit na restrictions. 

Comments

Popular posts from this blog

PRIVACY POLICY

Paano kumuha ng CITA or Appointment para "EMPADRONAMIENTO"

Ang Paghihigpit ng Madrid laban sa Coronavirus