759 na Policia ang ikakalat sa Madrid

Ang pangulo ng Communidad ng Madrid na si Isabel Díaz Ayuso , ay humiling nitong Lunes sa delegado ng Pamahalaan sa rehiyon, ang pag deploy ng 759 na mga miyembro ng Pambansang Pulisya at ng Guwardiya Sibil upang makipagtulungan sa paglalapat ng mga hakbangin na pinagtibay upang mapaloob ang pagpapalawak ng coronavirus sa Komunidad ng Madrid.

Hiniling din ng Komunidad ng Madrid na maitaguyod ang mga mekanismo na mayroong koordinasyon sa pagitan ng  Headquarters ng Mga Pulisya na Lokal at gayun din sa Pambansang Pulisya o Sibil Guwardya, na sa pamamagitan ng kanilang kaukulang demarcation at maitutupad ang tamang disciplina sa bawat mamayan ng Kommunidad ng Madrid. 

Sa kabilang banda, inilantad ng Pamahalaang Madrid ang pangangailangang palakasin ang mga kontrol sa paliparan ng Adolfo Suárez-Madrid Barajas na may mga karaniwang mga protokol sa natitirang network, na may kahilingan para sa mga pagsasagawa ng PCR test upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan na pumapasok at umalis sa bansa.

Sa darating All Saints Festival, pina payagan ang sirkulasyon sa mga sementeryo at pinahintulutang magsagawa ng libing at limitado rin ito sa 50% na katao, sa kondisyon ito, ang mga indibidwal at sama-samang mga hakbang sa proteksyon na ibinigay ng mga awtoridad sa kalusugan ay iginagalang. 


Comments

Popular posts from this blog

Paano kumuha ng CITA or Appointment para "EMPADRONAMIENTO"

PRIVACY POLICY

Ang Paghihigpit ng Madrid laban sa Coronavirus