Paano kumuha ng CITA or Appointment para Huellas | Madrid, Spain

Ano ba ibig sabahin ng Huellas dito sa Spain. Huellas ay ibig sabihin ay fingerprint sa ingles. Ito ay fingerprint pra sa kukuha ng Temporary Residence Card (Tarjeta de Residencia) or NIE dito sa Spain.

Bagaman posible na humiling ng appointment sa online gawa ng marami ang kukuha ng NIE at magrerenew. Kinakailangang ito ng Sipag at Tiyaga para makakuha ng appointment or CITA para Heullas. 


Paalala po sa lahat ng mga Kababayan natin dito sa Spain, ang pagkuha ng CITA or appointment ng Heullas ay libre at wala pong bayad. 😊

Ito ang mga sumusunod na pamamaraan kung paano kumuha ng CITA or appointment para Huellas:

  • Una kailangan mong hanapin ang Immigration Office ng lalawigan ng aplikante.

  • Gayunpaman, ang bawat autonomous na komunidad ay mayroong higit sa isang tanggapan ng imigrasyon (punong tanggapan)

  • Ang pamamaraan ay simple.  Piliin muna ang lalawigan, at pagkatapos ay piliin ang procedure.  Sa loob ng procedure, piliin ang Fingerprinting (pagpapalabas ng card) at pag-renew ng pangmatagalang card.

  • Matapos makumpleto ang procedure para sa fingerprint, kinakailangan na sundin ang mga ipinahiwatig ng tanggapan ng imigrasyon.

Ito naman ang STEP BY STEP, sa pamamagitan ng pagpakita ng larawan at video. 





2. Kapag nakapasok kana sa website, piliin ang foreigner or extranjera.


3. Pindutin ang Prior appointment of immigration or Cita Previa de Extranjeria.



4. Lalabas ang importante detalye tungkol sa pagkuha ng CITA, basahin ito at pindutin ang Access the procedure or Acceder al Procedimiento. 


5. Piliin ang Provinces Available or Provincias Disponibles kung saan ka naka base dito Spain at pindutin ang Accept or Acceptar. 


6. Basahin ang Important Announcement. Foreign office Madrid or Aviso Importante. Oficina De Extranjeria Madrid. Pagkatapos basahin piliin ang NATIONAL POLICE FORCE PROCEDURE OR POLICIA-TOMIA DE HUELLAS (EXPEDICION DE TARJETA) Y RENOVACION DE TARJETA DE LARGA DURACION. at pindutin ang Accept or Acceptar. 




7. Lalabas ang mga impormasyon tungkol sa Internet Appointment or Internet Cite Previa at mga Requirements sa pagkuha nito. Pindutin ang Enter or Entar. 


8. Punan ng mga importanteng detalye or impormasyon tungkol sayo. Makikita ito sa larawan. 


9. Pagkatpos mo punan ng mga detalye, pindutin ang Accept or Acceptar
10. Makikita ang iyong boung pangalan, pindutin lamang ang Request Appointment or Solicitar cita. 


11. Ang huli ay lalabas ang detalye ng oras at kailan ka pwede mag pa appointment or CITA. Lalabas din ang impormasyon na WALANG available na appointment or CITA, kaya gawin mo lang ito na paulit ulit na procedure para makakuha ka ng CITA kasi sa panahon ngyon pandemiya paunahan na. 









Comments

Popular posts from this blog

Paano kumuha ng CITA or Appointment para "EMPADRONAMIENTO"

PRIVACY POLICY

Ang Paghihigpit ng Madrid laban sa Coronavirus