Madrid Spain, 828 ang positibo sa Coronavirus | Sept 24, 2020
Ang lugar ng Madrid ay nagtala ng 828 na mga bagong impeksyon ng Covid-19 nitong Huwebes, Sept 24, 2020 isang bilang na mas mababa sa 183 kaysa sa mga nakarehistro kahapon . Bilang karagdagan, nagdagdag din ito ng 43 na mga namatay sa mga ospital nito, tatlong higit pa sa naitala sa nakaraang balanse.
3,215 naman ang na-admit, 41 naman higit sa naunang araw at mula nang magsimula ang krisis sa kalusugan ang pandaigdigang ang bilang ay tumaas sa 56,124.
Kahapon, ang ICU naman ay may naitalng 435 na kaso ng Covid-19, limang higit pa kaysa sa nakaraang araw, habang ang kabuuang bilang ng mga tao na nangangailangan ng malubhang pangangalaga sa hospital sa Madrid mula pa noong simula ng pandemic ay nasa umabot na sa 4,859.
Ang mga propesyonal sa Pangangalaga ay nagsagawa ng pagmonitor sa mga bahay bahay sa loob ng 24 oras sa 11,378 na katao at ang kabuuang bilang kaso ay tumataas sa 414,371.
Mula noong huling pag-update sa mga kaso ng COVID, 320 na katao ang napalabas mula sa ospital -44 naman ang nababawasan na mas mababa sa kahapon- at ang total figure ay umabot na nasa 51,401 mula pa nang magsimula ang pandemiya.

Comments
Post a Comment