14 Days Quarantine ng Espanya babawasan, magiging 10 Days nalang.

Ang sinumang na-diagnose na may covid ay dapat pa ring kumpletuhin ang buong 14 na araw na Quarantine. 

Mula Huwebes, Sept. 24, 2020 hanggang ngayon, ang panahon ng sapilitan na pag-quarantine para sa mga malapit na contact ng mga kaso ng covid ay nabawasan mula 14 na araw ay magiging 10 araw nalang. Ito ay para  may pag-asang ang maraming tao na ma engganyo na tapusin ang araw ng quarantine. Sa kadahilanan na ang mga makabuluhang bilang ng kaso ng covid sa bansa ay naiulat na hindi nila makompleto ang kanilang quarantine period, at dahil rin mabigo silang magpakita ng anumang mga sintomas na hinihikayat sa mga unang araw ng quarantine. 

Ang 14-araw na quarantine na kasalukuyang tinatanggap na para sa may covid na kaso na unang iminungkahi ito ng World Health Organization (WHO) sa mga unang linggo ng epidemya, kung kailan kaunti lang ang nalalaman tungkol sa kung paano kumilos ang virus.  

Simula noon, lumago na ng lumago ang may kaso ng Covid sa bansa, kayat hinihikayat  ang boung mamayang ng Espanya na kung sino man ang magpapakita ng mga sintomas o mahawaan ng virus sa loob ng dalawang linggo  agad ito magpa quarantine. Base sa pag-aaral ng mga experto, sa huling apat na araw ng pagpapakita ng sintomas tulad ng pagkahilo ay umaabot lamang ito sa 7-10% at sa  pinakamataas na araw ng impeksyon.  90% ng mga tao ang magiging positibo sa loob ng 10 araw pagkatapos mahawaan ng virus, bagamat sa halos 2.5% ng mga kaso ng Covid, ang mga unang sintomas ay tumatagal ng higit sa dalawang linggo para mapakita ang kaso ng Covid.

Samantala, ang Switzerland at Netherlands ay binawasan din ang kanilang mga quarantine sa 10 araw, habang sa France at Belgium ang mga positibo sa Covid dapat lamang manatiling ihiwalay sa loob ng 7 araw.

Ang mga na-diagnose bilang covid- positibo ay dapat pa ring makumpleto ang isang 14 na araw na quarantine 

Comments

Popular posts from this blog

Paano kumuha ng CITA or Appointment para "EMPADRONAMIENTO"

PRIVACY POLICY

Ang Paghihigpit ng Madrid laban sa Coronavirus