Paano kumuha ng CITA or Appointment para "EMPADRONAMIENTO"
Ano ba ibig sabahin ng EMPADRONAMIENTO o EMPADRON?
Ang "certificado de empadronamiento" o tinatawag ng mga karamihan ng mga Filipino dito sa Spain ay "EMPADRON" ay isang piraso na papel na nagsasaad na nakarehistro ka sa CENSUS ng Espanya, o tinatawag nila na PadrĂ³n Municipal de Habitantes.
1. Pumunta sa website ng Ayuntameinto de Madrid. https://www-s. munimadrid.es/CitaNetMovil/ Concertar.do
3. Pindutin ang Otras Oficinas o Other Offices
4. Piliin kung saan ang pinakamalapit na opisna na pwede ka e empadron.
5. Lalabas ang petsa ng available pra CITA o Appointment, lalabas din ang walang petsa. Ibig sabahin walang bakante na CITA o Appointment.
6. Kung may available na date, pindutin ito. At pumili ng oras kung ano oras ka pwede pumunta pra sa empadron.
7. Punan ang mga impormasyon tungkol sayo. Importante na tama ang iyong mga impormasyon.
8. Pagkatapos mo punan ang mga impormasyon, pindutin ang Crear cita o create appointment.
9. Makikita mo dito ang iyong appointment code at makakareceive ka ng email notification tungkol sa iyong CITA o Appointment.










Comments
Post a Comment